Araw ng kapanganakan: ika-dalawampu't tatlo ng Disyembre taong dalawang libo't anim
Kasarian: Puro lalake
Lugar kung saan ipinanganak: lungsod ng Tuguegarao
istatus: ito'y magulo (i'ts complicated)
lahi: Pilipino
mga alam na wika: tagalog, ilokano, ibanag, itawes, ingles
esulat: goriodakila@yahoo.com
Mga kasalukuyang miyembro:
Alvin: Bokalista
Jaem: Tambol
Zulu: Baho
Alain: Gitara
Rowel: Gitara
Mga dating miyembro at mga sesyonista:
Tope: Gitara
Makoy: Gitara
Apolinario: Gitara
Jamu: Gitara/Baho
Romeo: Baho
Kasaysayan:
Ang grupong Gorio Dakila ay nagsimula bilang "Inamo". Ito ay sinimulan nila Alvin ng bandang Karyo, Makoy ng bandang Tantrum, Jam ng bandang Karyo, Jaem ng Alonira at Meong ng Tantrum. Naging matatag din ang kanilang samahan pero di nagtagal, ay umalis din si Makoy dahil ayaw daw ng inay nya na magbanda siya, ang gusto raw ay tapusin muna ang kanyang pagaaral.
Wala nang nagawa pa ang magkakasama kundi sundin na lamang ang kagustuhan ni Makoy. Naghanap sila ng maaring maipalit kay Makoy at di nagtagal lumahok si Zulu ng Alonira bilang gitarista ng Inamo. Minsan ulit na naging solido ang kanilang samahan. Maraming beses na rin silang nakilahok sa mga labanan ng banda, dahil noon, ito lang ang kanilang tsansa na maipakita sa mga manonood ang kanilang natatanging husay sa pag-awit at pagtugtog ng instrumento. Subali't pagkalipas ng ilang buwan ay umalis din si Jam at si Meong. At dahil doon, nagsimula na silang magduda kung itutuloy pa nila ang kanilang samahan o hinde. Buti na lang, dumating si Tope ng Alonira galing Maynila at nagbalik loob naman si Makoy. Lumipat si Zulu sa baho at ginampanan nila Tope at Makoy ang kanilang tungkulin bilang mga gitarista. Pinalitan nila ang pangalan ng kanilang grupo at ang napili nila ay "Gorio Dakila" na galing sa kanilang matinding pagutak-bagyo (brain storming). At dahil dun naging mas matatag ang kanilang samahan. Nagtagal ito ng ilang taon ngunit nagkaroon suliranin si Zulu at kailangan na nyang itigil ang kanilang kalokohan. Napilitan muli ang Gorio Dakila na maghanap ng bagong myembro. Kung minsan, kinukuha pa rin nila sina Jam at Meong para mag-Baho. Pero di nagtagal, nagbalik-loob si Zulu at sumaping muli sa kanilang samahan. Akala nila yun na ang pinaka solidong line-up pero nagbago na naman ang ihip sa buhay ni Makoy at kailangan na nyang umalis talaga. Pasok si Apolinario ng bandang Karyo. Pagkalipas ng ilang buwan, tumigil muna si Tope sa kanyang kahibangan dahil magtratrabaho daw muna siya sa Maynila. Kaya yun, kinuha ng Gorio Dakila si Rowel, ang halimaw ng bandang 11th Heaven, bilang gitarista.
Sa ngayon, masyado raw abala si Apolinario sa kanyang mga ginagawa kaya kinuha ng Gorio Dakila si Alain ng Everything Angelica bilang kapalit. At dun nagsimula ang panibagong kalbaryo ng bandang pilit na pinapatay pero hanggang ngayon ay buhay pa rin sa isip, sa puso, sa gawa, at sa musika.... Oo... napakagulo ng kanilang kwento, gayunpaman, heto pa rin sila, handang sumalakay at ipaglaban ang musika ng Hilaga!!!
-Ang Gorio Dakila ay isang bandang lokal sa dakong Hilaga ng Pilipinas na kung saan ang bawat katutubo ay nagsusumikap na ipaglaban ang kanilang dimensiyon sa musika na kung tawagin ay "Musikang Libre-sibat (Free lance music)".Ipinaglalaban nila ito dahil nais nilang masilayan ang tunay na kalayaan sa musikang Pilipino.
-Ang bandang laging handa... Dala ang kanilang mga mahiwagang sandata at ang kanilang walang sawang pagtangkilik sa musikang bato (Rock) na naging batayan sa pagbuo ng himig at kultura.
-Ang Gorio Dakila ay miyembro ng HUKBALAHAP (Hukbong Banda na Laging Happy)
-Ang Gorio Dakila ay kailanma'y hindi sumaklaw (nag-cover) ng mga awitin.
para sa malaya niyong oras, dungawin at pakinggan ang aming Maria Clara at mga harana sa:
www.myspace.com/goriodakila
www.purevolume.com/goriodakila
ayos!!! astig!!! makata!!! magaling!!! malupit!!! nakaka LSS mga kanta nyo... pwede na kayo tumugtog sa MYX bandarito.. aabangan ko yun.. galing talaga ng talentong cagayano!
what's good just stop to show your page, some love, so stop by my page and show me some play the music ,if you need more friends try the site below stop by and show me sme love let me know what's up. Ps this is not spam I just want to put up on this sites I use.